PENRO Geological Assessment in Mangabul

PENRO-Pangasinan, Nagsagawa ng Geological Assessment sa Mangabul

Noong Disyembre 10 ay nakipagpulong ang mga opisyal ng Provincial Environment and Natural Resources Office-Pangasinan (PENRO-Dagupan) ng Department of Environment and National Resources (DENR) kay Mayor Cezar T. Quiambao, Municipal Administrator, Atty. Raymundo B. Bautista Jr., at mga miyembro ng Task Force Mangabul sa Municipal Conference Room.

Pagkatapos ng pulong ay nagtungo ang grupo sa Mangabul Reservation sa Brgy. San Gabriel 2nd upang magsagawa ng geological assessment at upang malaman kung ano ang mga lupaing maaaring mapalago at gawing agricultural at habitable areas. Inaasahan na sa darating na Disyembre 20 ay maibibigay na ng DENR sa LGU ang resulta ng kanilang pag-aaral.

Ito ay bilang pagtungon sa mga napag-usapan sa Environment Committee Meeting sa Kongreso kamakailan bunsod ng proposed bill na inihain ni Congresswoman Rose Marie ‘Baby’ Arenas upang mareclassify ang Mangabul Reservation into agricultural at alienable land at tuluyan nang maipamahagi ang lupain sa mga matagal nang magsasaka at residente sa lugar.

Ang grupo na kinabibilangan nina former Vice-Mayor Jose ‘Boy’ Ramos, former Bayambang District Hospital Director Dr. Nicolas Miguel, former Pangasinan State University professor Dr. Francisco Zaragoza, former Department of Agrarian Reform officer Pascual Manalang, Municipal Assessor Annie de Leon, Municipal Disaster Risk Reduction and Management head Genevieve Benebe, at Municipal Legal Officer Germain Lee Orcino ay inasistehan nina San Gabriel 2nd Punong Barangay Gildo Madronio at mga kasamang barangay officials.

(Photos by Jayvee Baltazar and MDRRMO Bayambang)

Arrow
Arrow
Slider