WORLD AIDS DAY | Forum Inilunsad para sa HIV/AIDS Awareness
Upang magbigay ng kaalaman tungkol sa HIV at AIDS ay nagsagawa ng kauna-unahang Health Forum at Candle Lighting Ceremony para sa mga estudyante at miyembro ng LGBTQ ang RHU 1 at RHU 2 sa 3rd Floor ng Royal Mall at Municipal Plaza noong Disyembre 2.
Winelcome ang lahat ng dumalo sa pagbubukas ng programa ni Rural Health Physician, Dr. Adrienne A. Estrada
Mensahe si BPRAT Chairman, Dr. Joel T. Cayabyab, “Paano aahon ang mga Bayambangueño kung ang pinakaimportanteng sektor na pangkalusugan ay hindi matututukan? Mapalad po tayo dahil sa pamumuno ng Mayor at ng mga head ng RHU sa patuloy na advocacy nila sa iba’t-ibang issue sa kalusugan, lalo na patungkol sa AIDS.”
Sa lecture proper ay tinalakay ni Municipal Health Officer, Dr. Paz F. Vallo, ang ‘Polio Updates and Vector-Borne Diseases,’ at nakatoka naman kay HIV Counselor Grace O. Abiang ang topic na ‘STI, HIV/AIDS’.
Si Nerissa B. Zafra, na isang HIV-proficient medical technologist, ang nanguna sa Open Forum, kung saan nabuksan ang kaisipan ng lahat ukol sa HIV/AIDS — kung paano ito makakahawa at di makakahawa, at paano ang tamang gamutan nito.
Sa pagwawakas ng programa, hinikayat ni Sangguniang Kabataan Federation President Gabriel Tristan Fernandez ang lahat ng kabataan na maging responsable sa usapin ng sex.
Isang candle-lighting ceremony na pinangunahan ni BPRAT Chairperson, Dr. Joel Cayabyab, ang ginanap sa Municipal Plaza pagkatapos ng health forum upang mas lalo pang mapaigting ang public awareness ukol sa HIV/AIDS at maisulong ang pagkakaisa ng lahat upang masupil ang mga maling paniniwala ng publiko sa naturang karamdaman.