Bayambang, Host ng LLPDCP-Pangasinan Chapter Benchmarking and Year-End Assesment
Nagkaroon ng Benchmarking and Year-End Assessment ang League of Local Planners and Development Planners Inc. (LLPDCPI) Pangasinan Chapter sa Balon Bayambang Events Center noong ika-5 ng Disyembre.
Dinaluhan ito ng mga planning officer mula sa iba’t ibang bayan at syudad sa Pangasinan.
Kasama sa mga nagwelcome sa bisita sina 3rd District Board Member Vici Ventanilla, Councilor Martin Terrado II, Councilor Amory Juio, at mga department head ng Munisipyo, sa panngunguna ni Municipal Administrator Atty. Raymundo Bautista Jr. at OIC Municipal Planning and Development Officer Ma-lene S. Torio.
Sa kanyang pambungad na mensahe, nakuwento ni Atty. Bautista ang isa sa mga best practices na natutunan kamakailan ng LGU-Bayambang: “We have to plan and coordinate our resources.”
“Isa sa goal ng aming bayan ang makatawid ang mamamayan ng Bayambang, so we need to implement good planning for our town so that we succeed for this goal.”
Nagbigay pasalamat si LLPDCPI President Roderick Emmanuel R. Mina sa masigabong pagsalubong ng LGU Bayambang, at nagpahayag ito ng paghanga sa mga local governance practices ng LGU na aniya’y nais gayahin ng lahat sa kani-kanilang bayan.
Sumunod sa programa ang paghatid ng isang Lifecoach Talk ni Leah S. Corpuz, isang inspirational speaker, at nagtapos ang pagtitipon sa pagpaplano ng mga miyembro sa kanilang mga aktibidad sa taong 2020.