Pangasinan PESO, Nagbigay ng Libreng Retail and Service Training
Sa ikalawang pagkakataon ay naghandog ng libreng one-day training ang Pangasinan Provincial Employment Services Office (Pangasinan PESO) para sa mga empleyado ng iba’t ibang mga establisimyento sa bayan.
Ang training na may pinamagatang “Training on Retail and Service with Green Productivity and Orientation on Employees’ Compensation Program” ay ginanap noong Oktubre 23 sa Balon Bayambang Events Center.
Naroon si Supervising Labor Employment Officer ng Municipal Employment Services Office ng Bayambang na si Dr. Joel T. Cayabyab na bumati sa mga nakilahok.