LTO Region I Project CARS

Project CARS ng LTO, Nag-Launching Dito

Dumating sa Bayambang ang Pangasinan leg ng Youth Road Safety Summit ng Land Transportation Office Region 1 noong October 23 sa Royal Mall. Ang naturang summit ay parte ng “Creating Advocates for Road Safety” o CARS Project nito.

Dumalo sa summit ang mga estudyante, kasama ang Bayambang Poverty Reduction Action Team.

Ipinaliwanag ni LTO Assistant Regional Director Kathleen Deanna G. Salayog ang mechanics ng Project CARS. Kabilang sa mga usaping tinalakay ng kanyang staff ay ang “Road Traffic Signs and Pavement Markings” at “Introduction to Driver’s Licensing System.” Nagkaroon ng workshop, group presentation, at pledge of commitment bilang parte ng mga aktibidad sa summit.

 

Arrow
Arrow
Slider