Farmer Field School, Tuluy-Tuloy sa Pantol
Tuluy-tuloy pa rin ang Farmer Field School sa Brgy. Pantol under the Palayamanan Plus project ng Agricultural Training Institute ng Department of Agriculture Region I, sa pakikipag-ugayan sa Municipal Agriculture Office.
Noong October 18 ay tinalakay ni MAO Agriculture Technician Zyra Orpiano ang “Pamamahala sa Tubig” at “Pamamahala sa mga Peste.” Dito ay ipinaliwanag niya na kailangang maiwasan ang sobra o kulang na tubig dahil ito ay nakakaapekto sa paglaki at ani ng palay.
“Hindi kailangang bumaba ang ani dahil sa peste,” dagdag niya.
Sa FFS, “itinuturo ang sistema na tinaguriang ‘Palay Check,'” paliwanag ni Orpiano.