DENR Secretary Roy Cimatu, Bumisita

DENR Sec. Cimatu, Bumisita sa Bayambang

Bumisita si Department of the Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy A. Cimatu noong ika-24 ng Oktubre para makita ang bamboo industry na kasalukuyang pinapayabong sa Bayambang sa pamamagitan ng CSFirst Green Agri-Industrial Development, Inc. Kasama si Mayor Cezar T. Quiambao, CSFirst Green AID President Bernard Bawing, Vice-Mayor Raul R. Sabangan, mga myembro ng Sangguniang Bayan, at mga delegates mula sa Region 6 at 7, inilibot si Sec. Cimatu sa factory ng CsFrist Green sa Barangay Amanperez kung saan isinasagawa ang pag-proseso ng mga bamboo products.

“I’m very happy to be here,” sambit ni Sec. Cimatu sa maiksing programa.

“Natupad na rin ang aking pangarap na pumunta dito to see for myself the bamboo plantation,” dagdag pa niya.

Pagkatapos bumisita sa factory ay tumuloy ang mga bisita sa Saint Vincent Ferrer Prayer Park. Ito ang unang beses ni Sec. Cimatu na bumisita sa Bayambang.

“Ito na po yung hudyat na lalong mapapabilis ang development ng bamboo industry,” ani Mayor Quiambao sa kanyang maiksing mensahe. Ayon sa kanya, $40B ang naibibigay ng industriya ng bamboo taun-taon, kaya kapag nagtagumpay ay malaki ang maitutulong nito sa ekonomiya ng bayan at ng buong bansa.

 

Arrow
Arrow
Slider