Veloria, Itinalaga Bilang Bagong OSCA President

Veloria, Itinalaga Bilang Bagong OSCA President

Sa pagdiriwang ng Senior Citizens Day noong ika-14 ng Oktubre sa Balon Bayambang Events Center, na may temang “Healthy and Productive Aging Starts with Me,’’ itinalaga ng bagong Chairman ng Office of the Senior Citizen Affairs (OSCA) na si G. Eligio A. Veloria.

Dumalo sa pagdiriwang sina Mayor Cezar T. Quiambao, Vice-Mayor Raul Sabangan, former Vice-Mayor Jose ‘Boy’ Ramos, at ang kinatawan ni 3rd District Representative, Congresswoman Rose Marie ‘Baby’ J. Arenas na si Jessica Gueco.

Pambungad ni Federation of Senior Citizen Associations of Bayambang (FSCAB) President, Benigno de Vera, “Ang selebrasyon ay naangkop sa tema na hangarin natin na tayo ay maging laging malusog at produktibo sa ating mga gawain, kaya let us enjoy the day as we look forward to having more of these in the years to come.”

Sa inspirasyunal na mensahe ni Mayor Quiambao, na malugod na nakadalo sa pagtitipon na ito, nabanggit niyang, “Ang selebrasyong ito ay isang pagkilala at pagbibigay ng halaga sa mga senior citizens, at malaki ang nai-aambag ng grupo ninyo sa lipunan. May saying na, “With age comes wisdom.’’ Ang kahulugan nito ay ang kaalaman at karanasan ng nakatatanda ay magandang basehan ng mga nakababata sa kanilang pagpapasya.”

Dagdag niya, “Learning does not end with being a senior citizen. Dahil maari pa kayong matuto ng bagong kaalaman hangga’t kaya pa. Nasa sa inyo ang inisyatibo kung gusto ninyong maiprove ang inyong kalusugan, na maging physically active, kaya sana pahalagahan ang natitirang yugto ng inyong buhay at gamitin sa paraang may kabuluhan.”

“Patuloy kayong mag-share at mag-inspire sa mga susunod na henerasyon,” pagwawakas niya.
Mensahe naman ni outgoing OSCA Chairman, Gng. Iluminada Mabanglo, “Inar-aro ta kayon amin ya senior citizen, tan patuloy mi kayo ya itdan ya respeto. Unman met ed samay unsublay – gawaen to’y nayarian to, piyano itdan to kayo ran senior citizen na masanting ya pamamauley.”

Arrow
Arrow
Slider