Pantawid Beneficiary, Tumanggap ng Garage Sale Proceeds
Iginawad ang kita ng Garage Sale na inorganisa ng Bayambang Poverty Reduction Action Team (BPRAT) noong Setyembre sa isang Pantawid Pamilyang Pilipino Program beneficiary noong Oktubre 14 sa opisina ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Si Hazelyn Erguiza, isang single mother na may apat na anak, ang napiling benepisyaryo ng proyekto, at gagamitin niya aniya ang pondo para sa pagpapaayos ng kanyang bahay sa Amancosiling Sur.
Naroon sa simpleng turnover ceremony sina BPRAT Chairman, Dr. Joel Cayabyab, Municipal Social Welfare and Development Officer Lerma Padagas, at mga DSWD Municipal Links.