Pagbuo ng Korporasyon ng LGU, Isinusulong
Nagtungo sa opisina ng Governance Commission for Government Owned or Controlled Corporations (GOCC) sa Makati City sina Councilor Benjamin Francisco de Vera, Sangguniang Bayan Secretary Joel Camacho at Atty. Czarina Martinez noong ika-15 ng Oktubre para ipresenta ang binabalak ng lokal na pamahalaan ng Bayambang na pagkakaroon ng sarili nitong government-owned corporation.
Nakasama nila roon sina GOCC Director Michael Pabalinas, Commissioner Michael Cloribel, at Board Secretary Atty. Cyril de Leon upang pag-usapan ang planong ito na magsisiguro ng mas malaking kita at mas mabilis na pag-asenso ng bayan. Ayon kay Councilor De Vera, “This proposal will allow the LGU to do business for higher revenue to keep up with the growth and development of the town.”
Kapag natuloy ay ito ang magiging kauna-unahang LGU-owned corporation sa buong bansa.
(Photos c/o SB staff Marvin Campos and Joven Rei Junio)