Follow-up sa UPLB Rice Field Research sa Ligue
Bumisitang muli sa kabukiran ng Brgy. Ligue ang Agriculture Office at Bayambang Poverty Reduction Action Team upang tulungan ang mga mananaliksik ng UPLB sa pagmonitor ng kanilang tanim na palay, kung ang mga varieties na ito ay tatagal sa panahon ng tagtuyot.
Layunin ng research na tulungan ang mga magsasakang makahanap ng mga drought-resistant rice varieties sa mga hinaharap na taon.