CETO Seminar, Idinaos para sa Transport Operators

CETO Seminar, Idinaos para sa Transport Operators

Nagkaroon ng Cooperative Education and Transport Operation Seminar (CETOS) ang mga transport operators mula sa limang munisipalidad sa 3rd District ng Pangasinan noong ika-15 ng Oktubre sa Balon Bayambang Events Center.

Naroon sa programa si Municipal Cooperative Development Officer Mercedes Peralta kasama si Cooperative Development Authority Officer Sheryl Lou Fabia.

Ang pag-attend sa CETOS ay isang requirement upang maging ganap na kooperatiba ang isang grupo ng transport operators.

Payo ni SB Committee on Transportation Chairman, Councilor Martin Terrado II sa mga operators, “Dapat magkaisa at magtulungan sa mga bagay para sa organisasyon. Mangyari po lamang na kayo ay magkaroon ng kalinisan at disiplina sa pamamasada upang maging maayos ang biyahe ng bawat mamamayan.”

Inihatid naman ni Bayambang Poverty Reduction Action Team Chairman, Dr. Joel T. Cayabyab, ang mensahe ni Mayor Cezar T. Quiambao. “Malaki ang papel ng transport operators bilang isang kooperatiba sa pagpapaunlad ng ekonomiya at isa ding susi ito upang makawala sa kahirapan.” Dagdag pa niya, “Ang isang kooperatiba ay dapat patas, agresibo, at higit sa lahat, merong tiwala sa bawat miyembro, upang maging matagumpay na kooperatiba.”

Bilang pangwakas sa programa, tinalakay naman ni Office of Transportation Cooperatives Administrative Officer II, John Jhoseph S. Avila, ang guidelines para sa transport cooperatives.

 

Arrow
Arrow
Slider