Training on Barangay Budgeting and Annual Investment Programming
Nag-organisa ang Municipal Planning and Development Office ng libreng training para sa mga bagong budget officer, treasurer, at Committee on Appropriations member (kabilang ang mga kapitan) ng mga barangay tungkol sa “Barangay Budgeting and Annual Investment Programming” noong Oktubre 8 sa Balon Bayambang Events Center.
Sa panimula ng programa ay nagpasalamat sina Sangguniang Bayan Committee Chairman on Finance, Budget and Appropriations, and Ways and Means, Councilor Amory Junio, at Liga ng mga Barangay President Rodelito Bautista sa mga nagsidating na barangay officials dahil hudyat ito ng kanilang kagustuhang matuto at magkaroon ng sapat na kaalaman sa mga nabanggit na gawain.
Sa training ay naging resource speakers ang iba’t ibang opisyal ng munisipyo. Tinalakay ni Municipal Budget Officer Peter B. Caragan ang tungkol sa “Budgeting,” at tinalakay naman ni Municipal Planning and Development Officer Ma-Lene S. Torio ang “AIP & 20% IRA Utilization.”
Ipinaliwanag ni Municipal Engineer Eddie A. Melicorio ang “Preparation of Program of Works & Detailed Costs Estimates,” at ipinaliwanag naman ni Sangguniang Bayan Secretary Joel V. Camacho ang tungkol sa “Preparation of Minutes of Meeting, Resolution, and Ordinances.”
Si Internal Audit Officer Erlinda S. Alvarez ay nagsalita ukol sa “Disbursement and Preparation of COA Reports,” at nakatoka naman kay Municipal Administrator, Atty. Raymundo B. Bautista Jr., ang tungkol sa “RA 9184 (Government Procurement Reform Act) at Ease of Doing Business (EODB) Law.”
Ang panghuli ay sina Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer Genevieve U. Benebe, na tumalakay sa “5% DRRM,” at si Municipal Local Government Operations Officer Royolita P. Rosario na “5% GAD Planning and Budgeting” naman ang naging paksa.