CSC 119th Anniversary Loyalty Award para sa Piling Kawani

CSC 119th Anniversary: Loyalty Award para sa Piling Kawani

Kabilang ang 14 LGU-Bayambang employees sa mga binigyan ng parangal pasasalamat ng Civil Service Commission (CSC) sa Narciso Ramos Sports and Civic Complex sa Kapitolyo noong Setyembre 27 bilang loyalty award sa kanilang pagseserbisyo-publiko sa loob ng 25, 30, 35 at higit pang taon.

Ito ay bilang parte ng selebrasyon ng CSC ng 119th founding anniversary nito.

Ang mga pinarangalang kawani ay sina Federico T. Alcantara (Agriculture Office), Wilfredo E. de Guerto (Sangguniang Bayan), Municipal Assessor Annie E. de Leon, Benedicto A. Frias (Budget Office), at Engr. Eddie A. Melicorio, na nagsilbi ng 25 taon; OIC Municipal Accountant Elsie C. Dulay, Rosa G. Martinez (Accounting Office), MSWDO Lerma D. Padagas, Arsenia L. Petuya (RHU I), Mylin DM. Taliño (General Services Office), at Tomas H. Vinluan (Slaughterhouse), na nagsilbi ng 30 taon; at Rebecca M. Agbuya (RHU I), Municipal Agriculture Office head Artemio C. Buezon, at Eloisa E. dela Masa (Agriculture Office), na nagsilbi ng 35 taon pataas.

(Photos courtesy of HRMO)

Arrow
Arrow
Slider