Seminar Training para sa Community-Based HIV Screening, Inilunsad ng RHU I

Seminar Training para sa Community-Based HIV Screening, Inilunsad ng RHU I

Inilunsad ng RHU I noong Setyembre 25 at 26 ang Seminar Training para sa Community-Based HIV Screening sa Conference Room nito.

Dito ay tinuruan ang mga partisipante na mag-screen sa mga boluntaryong gusto magpa-HIV screening upang masigurong ligtas sa sakit na HIV-AIDS.

Tinuruan din silang mag-counseling at maging advocate ng HIV/AIDS awareness at testing upang ang lahat ay malaman ang kanilang status at magkaroon ng zero stigma tungkol sa HIV infection.

Ang programang ito ay inisyatibo nina RHU I head Dra. Paz F. Vallo at RHU I Nurse III Grace O. Abiang.

Naging facilitator ang HIV advocate/medical technologist ng Center for Health and Development Region I na si Jaime Javillonar.

Kabilang sa nag-training ang mga midwife, nurse, at med tech ng RHU I. Inimbitihan din ang mga miyembro ng LGBTQIA community ng Bayambang at medical staff ng RHU Basista.

 

 

Arrow
Arrow
Slider