ONGOING: Floating Fish Cage Projects sa Manambong Sur at Parte Sa ikatlong pagkakataon ay nagkaroon ng isang floating fish cage project ang Manambong Sur (Sitio Leksab) Tilapia Growers Association at ERPAT-Manambong Sur noong Setyembre 26. Ang livelihood project ay pinondohan ng Municipal Agriculture Office sa pakikipagtulungan ng Department of Social Welfare and Development-Regional Office I (DSWD-RO I) Municipal Operations Office (MOO)-Bayambang, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources-Field Office I (BFAR-FO I), Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), Bayambang Poverty Reduction Action Team (BPRAT), Manambong Sur Barangay Council, at Kasama Kita Sa Barangay Foundation Inc. (KKSBFI) Sa unang pagkakataon naman ay naglunsad ng isa ring floating fish cage project ang Manambong Parte Tilapia Growers Association noon ding araw na iyon. Ang livelihood project na ito ay pinondohan ng BFAR-RO I sa pakikipagtulungan ng DSWD-RO I MOO-Bayambang, MSWDO, BPRAT, Manambong Parte Barangay Council, at KKSBFI Naroon ang BFAR representative na si G. Chris Cantor upang magbigay ng technical assistance.