SEA Teachers, Bumisita sa Bayambang
Namangha ang mga South East Asian Teachers na ipinadala sa bansa bilang mga exchange students ng Pangasinan State University matapos nilang matunghayan ang world’s tallest bamboo sculpture (supported) sa barangay Bani at ang bamboo factory sa barangay Amanperez. Ang mahigit 40 na mga SEA Teachers mula sa Indonesia, Malaysia, at iba pang mga bansa sa SEA ay sinamahan ng Municipal Tourism and Cultural Affairs Office sa pangunguna ni Supervising Tourism Operations Officer Rafael L. Saygo, kasama sina Dr. Sally Jarin, Dr. Perla Delos Santos at iba pang faculty at staff mula sa PSU Bayambang, na lumibot sa mga lugar na ipinagmamalaki ng bayan bago sila binati ni Mayor Cezar T. Quiambao at Local Council of Women President Niña J. Quiambao sa Niña’s Cafe noong ika-23 ng Setyembre.
Ito ay naging posible dahil sa pakikipag-ugnayan ni PSU Bayambang Campus Executive Director Dr. Roy C. Ferrer sa lokal na pamahalaan ng Bayambang.