Bb. Bayambang 2019, nagbukas ng eco-store sa Reynado

Bb. Bayambang 2019, nagbukas ng eco-store sa Reynado

Tinupad ni Binibining Bayambang 2019 Viana Lazo ang kanyang adbokasiya na impluwensyahan ang mga Bayambangueño na makiisa sa pangangalaga sa ating kalikasan sa pamamagitan ng pagbubukas ng Kuvo ni B, isang tindahan kung saan makakabili ng mga eco-friendly products katulad ng shampoo bars, bamboo toothbrush, at reusable utensils. Mayroon ring bigas, condiments, kape at gatas at iba pang mga pang-araw-araw na pangangailangan na maaaring mabili ng hindi kailangang gumamit ng single-use plastic.

Ginanap ang blessing at opening ng munting proyektong ito noong ika-22 ng Septyembre sa barangay Reynado. Ito ay dinaluhan ng mga residente ng barangay, sa pangunguna ni Punong Barangay Joselito Sabangan, ilang mga myembro ng Local Council of Women of Bayambang, mga staff ng Municipal Tourism and Cultural Affairs Office, at mga representante mula sa CS First Green na siyang gumawa ng tindahan.

Ang puhunan para sa proyektong ito ay mula sa napalunan ni Lazo na P50,000 para sa kanyang barangay nang siya ay makoronahan bilang Binibining Bayambang 2019. Ito ay babantayan ni Marivic Diaz na siyang napiling benepisyaryo ni Lazo upang makatulong sa pamumuhay at pag-aaral ng pitong anak nito.

Inaanyayahan ang bawat Bayambangueño na suportahan ang proyektong ito na isang munting paraan ng pagtulong sa pangangalaga ng kalikasan.

 

Arrow
Arrow
Slider