Palayamanan Project, Inilunsad sa Pantol

VM Sabangan, Dumalo sa Launching ng ‘Palayamanan’ Project sa Pantol

Pinangunahan ni Vice-Mayor Raul R. Sabangan bilang kinatawan ni Mayor Cezar T. Quiambao ang launching ng Palayamanan model farming project sa Brgy. Pantol noong Agosto 23, 2019.

Hatid ni Vice-Mayor Sabangan ang buong suporta ni Mayor Quiambao sa proyekto bilang parte ng Farm Mechanization Program nito.

Ayon kay Jeimeli Constantino, Training Specialist II ng Agricultural Training Institute-Regional Training Center I (ATI-RTC 1), na kinatawan ni ATI-RTC 1 Chief, Director Rogelio Evangelista, ang Palayamanan Plus ay isang “community-based intensified rice-based production system” na kinonceptualize ng PhilRice. Ito ay naglalayong mas lalo pang gawing produktibo ang mga sakahan ng palay sa pamamagitan ng iba’t-ibang istratehiya tulad ng crop diversification at concurrent animal and vegetable production.

Kasamang sumalubong sa mga nagsidalong magsasaka sa lugar sina DA-LGU head Artemio Buezon at staff, Bayambang Poverty Reduction Team focal persons Quenelyn Asuncion at Nelben Mercado, MDRRMO staff, PNP, at Mangabul Seed Growers Marketing Cooperative Chairman Jayson Sagum at Vice-Chair Rhodora Sagum.

Naroon din si Pantol Punong Barangay Jose Perez upang magpasalamat sa delegasyon mula sa Munisipyo at ATI sa ngalan ng mga kabarangay.

 

Arrow
Arrow
Slider