Bayambang Cultural Mapping Project: Nasa Validation Phase Na
Ginanap ang Validation Phase ng Bayambang Culture Mapping Project sa Balon Bayambang Events Center noong ika-8 hanggang 9 ng Agosto.
Layunin ng validation phase na idaan sa mapanuring mata ng mga eksperto ang mga culture mapping output ng mga mag-aaral at guro ng Bayambang National High School. Sa prosesong ito, sasalain ang mga karapat-dapat isamang mga cultural items sa ililimbag na aklat sa pagtatapos ng taon.
Dumalo sa maikling panimulang program sina Vice-Mayor Raul R. Sabangan at Councilor Martin Terrado II bilang hudyat ng suporta sa proyekto na pinangunahan ng lead cultural mapper na si Christopher Gozum at kapwa guro ng BNHS, kasama si Municipal Supervising Operations Officer Rafael Saygo.
Naroon din ang BNHS Principal na si Gng. Alice Galsim upang magbigay ng mensahe. “Ako’y nagagalak sa proyektong Cultural Mapping at saludo ako sa magandang ambag na ginawa ninyo sa bayan dahil di biro ang kumalap ng mga natatanging kultura. Dahil sa panahon ngayon, puro teknolohiya ang madalas nagagamit at natabunan na ang mga sinaunang yaman. Kaya sana, sa mga kabataan, huwag kalimutan ang mga kulturang ating kinagisnan upang magamit pa sa kasalukuyan.”
Nagpasalamat naman si G. Saygo sa patuloy na pagsuporta ng lahat sa mga programa ng LGU Bayambang. “Hindi ganoon kadali ang magsagawa ng ganitong aktibidad pero sa pagtutulungan natin, tayo ay nakabuo ng isang magandang resulta. Sana magtuloy-tuloy ang magandang samahan upang ang kultura ay magpasalin-salin sa mga susunod pang henerasyon.”
Kabilang sa mga ekspertong dumating ay ang representative mula sa National Commission on Culture and the Arts na si Arvin Manuel Villalon, mga opisyal ng Center for Pangasinan Studies na sina Joselito Torio at Nicanor Germono Jr., at University of Santo Tomas professor Rona Repancol.
Sabi ni G. Villalon, na nagsabing unang beses pa lang niyang makapunta sa bayan ng Bayambang: “Sa anim na buwan na ginugol ninyo sa paghahanap ng mahahalagang yamang-kultura ng inyong bayan, nakapulot kayo ng maraming kaalaman na pwedeng pagyamanin. Masasabi ko na ang Bayambang ang kauna-unahang gumawa ng [independent] cultural mapping, at napabilib ako dahil nakikiisa ang pamayanan sa proyektong ito. Sabi nila ang nag-culture mapping ay para lamang sa mga eksperto, pero para sa amin ang kultura ay kung ano ang nakagisnan ay dapat ingatan ng lahat.” Sambit pa niya na ang pagsasagawa ng culture mapping ay kailangang may ordinansa, at kailangang magamit at ma-analyze dahil kung maganda ang pagkakagawa ay puwede itong maisali sa SGLG Award. Kaya sana maging matagumpay ang inyong nasimulan.”
Ang mga dumalong validators — na karamihan ay mga retirado at kasalukuyang guro, propesor, at school administrator, at cultural workers — ay sina Dr. Leticia Ursua, Gng. Gloria Valenzuela, Dr. Annie Manalang, Gng. Leonarda Allado, G. Januario Cuchapin, Gng. Alice Galsim, G. Danilo Gozum, G. Genererio Rosales, Gng. Jamilla Karim, Gng. Lesly Ann de Vera, G. Orlando Conde, Gng. Rima Grace Rufo, Gng. Alicia Medrano, Dr. Daniel Ricafort, G. Randy de Guzman, G. Jomar Agustin, Dr. Cesar Ramos, Gng. Liza Pulido, Gng. Rowena delos Reyes, Gng. Claire Vince Cruz, Gng. Carla Navarro, Gng. Lea Medrano, Gng. Maricris Baladad, Gng. Liza Magalong, Gng. Aurora Ramos, Gng. Maila Justo, G. Raymund Marcos, Gng. Marjorie Bravo, Gng. Edna Perez, Gng. Rebecca Manzano, G. Ian Michael Datuin, Gng. Melanie Junio, G. Oscar Ora, Gng. Marcelina Malicdem, Gng. Leonida Ocampo, Dr. Sherlita Baratang, Gng. Gemma Matabang, Gng. Iluminada Mabanglo, G. Efrien Gascon, Gng. Sherry Mae Rosario, Gng. Cornelia Perez, Gng. Krista Alvarez, Gng. Jackelyn Galsim, Gng. Mindamora Bruan, at Dr. Alfredo Gallano.