Tuluy-tuloy ang Tax Information and Education Campaign ng Assessor’s Office. Nang nagdaang linggo ay nagtungo ang grupo ni Municipal Assessor Annie de Leon sa Brgy. Tampog, Tococ East, at Tococ West upang paigtingin ang pagbigay ng tamang impormasyon upang maiwasto ang mga haka-haka at pawiin ang agam-agam ng mga mamamayan kaugnay ng pagbayad ng Real Property Tax.