Public Hearing Ukol sa Mode of Payment ng mga Magsaysay Occupants
Nagkaroon ng Public Hearing sa Sangguniang Bayan Session Hall noong ika-15 ng Agosto upang talakayin ang panukalang ordinansa na may titulong “Ordinance Amending Section 5. Mode of Payment of Municipal Ordinance No. 3, Series of 2012 Otherwise Known as ‘An Ordinance Establishing Standards and Procedure for the Sale of a Parcel of Land Owned by the Municipality of Bayambang Covered by TCT No. 34844 with an Area of 39,998 Square Meters Situated at Barangay Magsaysay, Bayambang’.”
Naroon si Mayor Cezar T. Quiambao sa hearing na pinangunahan ni Vice-Mayor Raul R. Sabangan kasama ang lahat ng SB members at si SB Secretary Joel Camacho.
Upang tumulong sumagot sa mga katanungan, dumalo rin sina Municipal Administrator Atty. Raymundo Bautista Jr, SB Legal Council Atty. Czarina Martinez, Municipal Treasurer Luisita Danan, at Municipal Assessor Annie de Leon.
Pinaliwanag sa hearing ang kaukulang babayaran ng mga residente ng Magsaysay kada buwan sa lupa. Layunin din nitong bigyang linaw sa mga residente ang tungkol sa legalidad ng lupang pinagpatayuan ng kanilang bahay.