Isa na Namang OFW ang Natulungang Makauwi
Isa na namang OFW ang nagtungo sa opisina ni Mayor Quiambao upang magpasalamat matapos itong matulungang umuwi noong Agosto 13, 2019.
Ang OFW ay si Leticia S. Daco, tubong Brgy. Bical Sur. Siya ay isang domestic worker galing Riyadh, Saudi Arabia at nagdesisyong umuwi matapos aniya nitong kinailangang magpagamot sa bansa.
Sina Migrant Desk Officer Gerenerio Q. Rosales at staff nito ng Public Employment Services Office, na direktang nasa ilalim ng opisina ni Mayor Quiambao, ang nagproseso ng papeles ni Daco upang agarang makauwi.