Malapit Nang Magka-Free WiFi sa Plaza

SB, Nagpasa ng Resolusyon para sa Free WiFi sa Plaza at Market

Nagpasa ang Sangguniang Bayan ng isang resolusyon na naglalayong magkaroon ng free WiFi access sa ilang pampublikong lugar gaya ng public market at plaza sa bayan ng Bayambang.

Ipinasa ng SB noong Agosto 13, 2019 — sa motion ni SB Member Levinson Nessus M. Uy — ang Resolution No. 273, series of 2019, na siyang humihiling sa Converge ICT Solutions na pinamumunuan ni CEO/President Anthony H. Uy na magbigay ng free WiFi Internet access sa mga pampublikong lugar gaya ng pamilihang bayan at plaza.

Ayon sa resolusyon, ito ay isang instrumento na magpapabilis sa pagdaloy ng “economic, social, and educational opportunities” at magpapayabong sa “community development through the use of ICT technology for effective and efficient … local governance.”

Ang Coverge ICT ang “fastest growing fiber internet and digital consumer-centric provider” sa bansa ngayon, nakasaad sa resolusyon.

Arrow
Arrow
Slider