Lumagda sa isang Memorandum of Understanding ang LGU Bayambang at Department of Science and Technology Regional Office I at Provincial Office noong August 1 — kaya’t tuloy na tuloy na ang Science and Technology Caravan na handog ng administrasyong Quiambao-Sabangan ngayong darating na August 13-16 sa Events Center. Layunin ng Caravan na ito na bigyan ng mga makabagong kaalaman at kakayahan ang mga Bayambangueño upang lalong paigtingin ang ating Rebolusyon Laban sa Kahirapan.