Tuluy-tuloy ang pagsasanay para sa ISO Certification ng buong LGU sa pangunguna ni Municipal Civil Registrar Ismael Malicdem Jr. Noong August 1, 2 at 3, ay dumating ang trainer na si Dr. Rey Fremista, na siyang nagbigay ng Intensive Training para sa Management team at External Audit Simulation, magmula sa physical inspection ng mga opisina hanggang sa pag-audit ng mga documented information ng lahat ng departamento.