Basic Occupational Safety and Health Training, Ginanap Para sa Local Business Establishments
Nagbigay ng libreng training ang LGU sa Basic Occupational Safety and Health (OSH) para sa iba’t-ibang business establishments sa Bayambang noong ika-6 ng Agosto sa Sangguniang Bayan Session Hall.
Ito ay inorganisa ng Public Employment Services Office sa pangunguna ni Supervising Labor and Employment Officer Dr. Joel Caybyab at Action Desk Officer on Migrant Concerns Gerenerio Rosales. Layunin ng training na bigyang kaalaman ang mga lokal negosyante upang masiguro ang kaligtasan ng kanilang serbisyo at produkto para sa mga mamimili.
Naroon si Councilor Martin Terrado II upang iwelcome ang lahat.
Ang mga naging trainor ay sina Engr. Marlon T. de Leon, Engr. Ana C. Occidental, at Carmen Jo-Ann Q. Viloria, mga Labor Inspector at Senior Labor Employment Officer mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) Regional Office I.
Ayon sa DOLE, mandatory ang pagkakaroon ng safety officers na may training sa OSH para sa lahat ng micro-, small, at medium enterprises.
Mayroong 29 participants ang natapos sa naturang training.