Ginanap sa Balon Bayambang Events Center noong ika 19 ng Agosto ang General Assembly ng Bayambang Barangay Kagawad Association of the Philippines Inc. (BBKAPI), at kasabay nito ay ang pamamahagi ng PhilHealth ID cards sa mga Barangay Kagawad mula sa 77 barangays. Sa pambukas na programa, nagbigay pasasalamat si BBKAPI President Bernardo Decoro sa handog ni Mayor CTQ na PhilHealth cards “upang maging secure kami sa paninilbihan sa aming mga barangay.”
Nagbigay naman ng kaalaman ang kinatawan ng PhilHealth Insurance na si Alona Valdez kung anong maaaring makuhang benepisyo sa pagiging miyembro ng PhilHealth. “Bawat miyembro ng PhilHealth ay siguradong protektado,” diin niya.
Binigyang-diin naman ni Mayor Cezar T. Quiambao na “ang kalusugan ay kayamanan ng bawat mamamayan.”
Sinamantala niya ang pagkakataon upang ipahayag niya na magkakaroon ng konting pagbabago sa proseso ng paggamit sa ambulansiya, sapagkat “naabuso na ang paggamit ng ambulansiya.” “Sana ang paggamit ng ambulansiya ay kung kinakailangan lamang.”
Dagdag niya: “Sa darating na Agosto 31, 2019 matatapos, na rin ang RHU 3 at RHU 4, isa namang proyekto na magbibigay -serbisyo para sa inyong mga kalusugan.” Binanggit din niya na magkakaroon ng RHU 5 sa Barangay Pantol sa susunod na taon.
“We hope na na mabigyan ng PhilHealth card hindi lang ang mga Barangay Kagawad kundi pati na rin ang lahat ng mamamayan sa Bayambang upang kalusugan nila ay maalagaan.”