Ngayong buwan ng Agosto ipagdiriwang ang ikalawang taon ng deklarasyon ng Rebolusyon Laban sa Kahirapan at inihahanda ng Bayambang Poverty Reduction Action Team ang mga aktibidad upang alalahanin ang makasaysayang deklarasyong ito.
Sa August 20 ay magkakaroon ng Short Filmmaking and Spoken Word Poetry Competition para sa mga kabataang Bayambangueño.
Sa August 26 naman gaganapin ang ikalawang Padyak Laban sa Kahirapan. Magdala lamang ng tatlong pares ng tsinelas sa mismong araw ng padyak para sa inyong registration.
Magkaisa tayo at magtulungan upang mapagtagumpayan natin ng sama-sama ang ating rebolusyon.