LGU, Nagdonate ng Uniform sa mga Sundalo

LGU, Nag-Donate ng Uniform sa mga Sundalo

Nag-donate ang LGU ng mga uniporme sa 85 sundalong kabilang sa Alpha Company ng 104th Ready Reserve Infantry Battalion ng Philippine Army na nakabase sa Bayambang.

Naroon sina Councilor Amory Junio at Municipal Treasurer Luisita Danan at kanyang mga staff para sa turnover ng donasyon na ginanap sa Events Center noong Hulyo 8.

Sa sumatotal, ang mga PHILARPAT (Philippine Army pattern) uniforms ay nagkakahalaga ng P255,000.

Ang mga naturang sundalo ay under ng administrative at operational control ng 104th Community Defense Center, 1st Regional Community Defense Group, Army Reserve Command.

Arrow
Arrow
Slider