Kampanya Kontra Basura, Pinaigting sa Public Market
Pinaigting ng Special Economic Enterprise ang kampanya nito kontra basura sa Public Market sa pamamagitan ng pagkakabit ng mga tarpaulin noong July 3, bilang babala sa mga lalabag ng batas sa waste disposal.
Ayon sa head ng Bayambang Public Market na si Gernalyn Santos, hihigpitan ang pagbawal sa pagkakalat ng basura upang mapanatili ang kaayusan sa pamilihang bayan ng Bayambang.