KALIPI Members, Nag-Training sa Mushroom Production and Byproduct Processing
Nagbigay ng libreng training sa mushroom production ang Kalipunan ng Liping Pilipina (KALIPI) sa Balon Bayambang Events Center noong ika-19 ng Hulyo, sa pangunguna ni KALIPI President Jocelyn Espejo katuwang si Municipal Social Welfare and Development Office head Lerma Padagas.
Ang nagsilbing trainor ay si Lourina Magno, may-ari ng business na Magno Kabutehan.
May 40 miyembro ng grupo ang lumahok sa training upang aralin ang tamang pagtatanim ng kabute.
Sabi ni Magno, “’Di lamang nutrisyon sa pamilya ang dulot ng pagtatanim ng kabute – siyempre nakakatulong sa pagbuo ng business at maipapamana din [ang kaalaman] sa susunod na henerasyon.”
Ayon kay Didit G. Basilio, KALIPI member, “malaking tulong ang training dahil matuto kami ng bagong livelihood project at maibabahagi ko ito sa aking mga ka-barangay.”