Itinanghal na Mr. A1 Child 2019 si Francis Rykiel dela Cruz ng Poblacion Sur at Ms. A1 Child 2019 si Shemaiakish Cristobal ng M.H. Del Pilar, sa ginanap na Mr. & Ms. A1 Child 2019 sa Balon Bayambang Events Center noong ika-16 ng Hulyo bilang parte ng pagdiriwang ng National Nutrition Month sa temang “Kumain nang Wasto at Maging Aktibo… Push Natin ‘To!”
Sa panimula ng programa ay nagpasalamat si Councilor Levinson Nessus Uy, ang bagong Chairman ng Health Committee ng Sangguniang Bayan, sa pagbuo ng aktibidad.
Sa patimpalak ay nagpamalas ng iba’t-ibang talento ng mga kabataan, maging sa pag-awit, pag-arte o pagsayaw man.
Ang mga iba pang nagwagi ay sina:
Male:
Vince Ezhekiel Fransico – 1st Runner-up, San Gabriel 2nd Day Care Center
Amaruzaki D. Macmod – 2nd Runner-up, M.H. Del Pilar Day Care Center
Female:
Brianna Mangrobang – 1st Runner-up, Darawey Day Care Center
Reed Kesha Cabillon – 2nd Runner-up, Reynado Day Care Center
Nakatanggap ang Mr. & Ms. A1 Child 2019 ng P4,000 cash, ang 1st runner-up ng P3,000, ang 2nd runner-up ng P2,000, at ang mga ‘di pinalad na manalo ng P1,000 consolation prize.
Ang mga naging hurado ay sina Municipal Health Officer Venus M. Bueno, Dr. Araceli G. Galsim, at LGU-Calasiao Focal Person on Child Development Ace Lorenze P. Jorgio.
Pinaabot naman ni Day Care Worker Marvin P. Bautista ang mensahe ng pasasalamat sa lahat ni Municipal Social Welfare and Development Officer Lerma Padagas “dahil sa ganitong programa nabibigyan ng pansin ang mga talento at pagkabibo ng mga bata sa ating mga Day Care Centers.”