Agri Balita para sa linggong nagtatapos sa Hulyo 15, 2019.


Noong Hulyo 10 ay nagkaroon ng election of officers ang Municipal Agriculture and Fishery Council sa Balon Bayambang Events Center.

Ayon sa Agriculture Office, ang mga bagong opisyal sa 2019 ay ang mga sumusunod:

President – Marlon Vismanos
Vice-President – Alejandre Junio
Treasurer – Susan de Leon
Secretary – Resie Castillo
PRO – Jonie Favia
Auditor – Genaro Requilman

***

Tuluy-tuloy ang Agriculture Office sa pagtulong sa mga magsasaka upang maproseso ang kanilang aplikasyon sa Philippine Crop Insurance Corp., upang ma-insure ang kanilang ani kung sakaling ito ay masalanta.

***

Nagpamahagi ang Regional Crop Protection Center ng metarhizium, na isang natural na pamuksa sa peste. Ito ay magagamit sa 40 ektaryang palayan bilang pangontra sa posibleng pananalanta ng pesteng rice black bug, brown plant hoppers, armyworm at cutworm.

***

Nagpamigay ang Department of Agriculture Regional Office ng 450 sako ng hybrid palay seeds sa iba’t-ibang barangay sa ilalim ng kanilang Rice Banner Program. Ang mga binhi ay kasya para sa 800 ektarya ng sakahan, ayon sa Municipal Agriculture Office.

***

Patuloy ang mga lectures at practicum sa Climate Smart Farm Business School sa Brgy. Malioer.

Arrow
Arrow
Slider