Bumisita ang mga opisyal ng LGU-Pateros sa Bayambang upang makita ang best practices ng Munisipyo sa LGU-wide computerization program nito.
Ang mga panauhin ay winelcome nina Municipal Administrator Atty. Raymundo B. Bautista Jr., Tourism Office head Rafael Saygo, at Information Communication Technology Office head Carmela Atienza noong ika-5 ng Hunyo sa Munisipyo.
Ani Atty. Bautista, “Kahit hindi biniyayaan ang bayan ng Bayambang ng likas na yaman, puno naman ito ng history at puno ng creativity ang mga tao upang maging puhunan sa pag-unlad.”
“Ang plano ni Mayor CTQ ay mapadali ang bagay-bagay gamit ang teknolohiya — isa itong daan para umasenso ang bayan,” paliwanag niya.
Inilibot ng mga ICTO staff ang mga bisita sa Assesor’s, Treasury, Accounting, Engineering, Budget, Local Civil Registry, at Human Resource Management Office.