HRMO Orientation para sa mga JOs ng LGU, Ginanap

“Kung sama-sama at magtutulungan, magiging madali ang trabaho.”

Iyan ang pinaka-diwa ng teamwork, at isa lamang ito sa mga kaalamang ibinahagi sa isa na namang isinagawang Employee Orientation program ng Human Resources Management Office (HRMO) para sa 150 job order employees noong ika-4 ng Hulyo sa Balon Bayambang Events Center.

Sa programa, ipinaliwanag ni Supervising Labor and Employment Officer Dr. Joel T. Cayabyab sa mga JOs ang official vision-mission at goals ng LGU Bayambang. Tinalakay naman ni HRMO department head Nora Zafra ang “Employment Status, Expectation Setting at Leave Administration.”

Patungkol naman sa “Administrative Offenses and Corresponding Penalties, Code of Conduct for Public Servants (RA 6713), at Prohibited Acts and Transactions” ang paksa ni Sangguniang Bayan Local Legislative Staff Officer Atty. Czarina Cherizze Martinez.

Arrow
Arrow
Slider