PSU Job Fair, Dinagsa

“Ang baon ko sa pag-apply ay ang determination at willingness sa anumang posisyon na aking papasukan.” Ito ang sambit ni Aileen Patayan, isang job applicant na aming nakapanayam.

Kabilang si Aileen sa daan-daang aplikanteng may bitbit na positibong pananaw sa pagtatangkang makahanap ng mapapasukan, sa isa na namang ginanap na Job Fair ng Public Employment Services Office(PESO)-Bayambang sa pangunguna ni PESO Supervising Manager Dr. Joel T. Cayabyab katuwang ang Pangasinan State University (PSU)-Bayambang Campus sa Benigno V. Aldana Gymnasium noong ika-18 ng Hunyo.

Ayon kay Dr. Cayabyab, may 22 na kumpanya ang kalahok sa job hunt, 17 dito local companies at 5 overseas.

Sa munting programa, nagpasalamat si PSU-Bayambang Campus Executive Director Dr. Roy C. Ferrer kay Mayor Cezar T. Quiambao “dahil binigyan niya ng malaking oportunidad ang mga nagsisipagtapos na mag-aaral ng PSU na makahanap na trabaho.”

Payo niya sa mga job hunters: “Sana huwag sayangin ang chance na ito upang sa gayon magkaroon kayo ng magandang kinabukasan.”

Pinakilala naman ang mga kumpanyang nakilahok sa job fair ni PSU Student Services Coordinator Amela T. Cayabyab, at pagkatapos nito ay pormal niyang binuksan ang job fair.

Naroon din ang Action Desk Officer on Employment Concerns and Migrant Desk Officer ng PESO na si G. Gerenerio Q. Rosales, na siyang nag-orient sa mga applicants ukol sa job hunting at application. Ayon sa report ng PESO, may 287 ang dumating at nag-apply ng ilang beses sa iba’t-ibang kumpanya, at 424 ang naging qualifications, 40 ang hired on the spot, at 112 ang maituturing na near-hires.

Arrow
Arrow
Slider