Sa araw na ito, Hunyo 17, ang unang araw ng pasukan sa Child Development Service Program ng Municipal Social Welfare Development Office.
Ang mga Day Care pupils ay inaasahang aatend sa kanilang unang session sa mga Child Development Centers ng Bayambang.
Ayon kay Marvin P. Bautista II, Focal Person on Daycare Service ng Municipal Social Welfare and Development Office, ang Bayambang ay may 73 Child Development Centers at 75 accredited Child Development Workers para sa 2,900 na pre-schoolers.