Jeff Macaranas Sand Artist ng Tambac, Bayambang

Ang “sand in a bottle” ay isa sa mga pausbong na uri ng sining sa buong mundo. Kilala na ito sa mga bansang sagana sa buhangin katulad na lamang ng Egypt at Jordan at ngayon ay isang Bayambangueño ang nagpapasikat nito hindi lamang sa buong probinsya ng Pangasinan, kundi pati sa mga karatig nitong lalawigan.

Si Jeff Arman Sison Macaranas o mas kilala bilang “Jepoy” mula sa barangay Tambac ay isa sa mga talentadong Bayambangueño na unti-unti nang nakikilala sa larangan ng sand art. Kitang-kita sa kanyang mga obra ang mga detalye na nagpapaganda sa mga ito gamit lamang ang iba’t ibang kulay ng buhangin na kanyang matyagang isinasaayos sa mga bote. Hindi biro ang talentong ito dahil bawat butil ng buhangin ay dapat eksakto ang kinalalagyan para masiguro ang kaayusan at kagandahan ng kanyang produkto.

Ayon kay Jepoy, kaya niyang gumawa ng 200 na sand art sa maliliit na bote sa loob lamang ng dalawang araw. Ang presyo ng mga ito ay mula P80 hanggang P3000 depende sa laki ng lalagyan at sa disenyo na ipapagawa ng kliyente. Pwede itong pang-display, pang-regalo, o souvenir sa anumang okasyon.

Ang sinumang interesado ay maaaring i-contact si Jepoy sa numerong 09074593201 o sa pamamagitan ng kanyang Facebook account.

Arrow
Arrow
Slider