S.E.E., Nag-Inspeksyon ng mga Timbangan

S.E.E., Nag-Inspeksyon ng mga Timbangan

Naglunsad ng operasyon ang Special Economic Enterprise sa pamumuno ni OIC Gernalyn Santos noong Hunyo 10 upang inspeksyunin ang mga timbangan o weighing scales na gamit ng mga tindera sa Meat Section at Fish Section.

Sa sumatotal, may 10 na timbangan ang nakumpiska dahil ang mga ito ay depektibo, 4 mula sa Meat Section at 6 sa Fish Section.

Pahayag ni Ms. Santos, “Kung ikukumpara po dati, napakababa na po ng bilang ng nakumpiskang timbangan dahil noon umaabot kami sa 20-30 units per operation. Natututo na rin ang mga vendors at mas marami na ang sumusunod sa pagbebenta ng nasa tamang timbang dahil ang mga nakumpiskang depektibong timbangan ay hindi na isasauli. Ito ay iniipon at sabay-sabay na sisirain.”

Para sa kaalaman ng mga mamimili, ang Public Market ay may timbangang bayan na nakalagay sa harapan ng New Building.

 

Arrow
Arrow
Slider