Dumako ang Komprehensibong Serbisyo sa Bayan year 3 sa Bascos Elementary School sa Manambong Parte, District 2, noong ika-7 ng Hunyo upang silbihan ang mga mamamayan ng Brgy. Manambong Parte, Manambong Norte, at Manambong Sur.
Sinalubong ni Manambong Parte Punong Barangay Romeo Macaraeg ang mga taga-Munisipyo kasama sina Manambong Sur PB Alain Lacerna at Manambong Norte PB Freddie Junio, pati na rin ang Bascos Elementary School Principal na si Rogelio Corpuz Jr. Sila ay nagbigay-pugay at pasasalamat kina Mayor Cezar T. Quiambao, Vice Mayor Raul Sabangan, Sangguniang Bayan members, at mga bumubuo ng Komprehensibong Serbisyo sa Bayan.
Ipinaliwanag ng Chairperson ng Komprehensibong Serbisyo sa Bayan na si Municipal Health Officer Dr. Paz Vallo na ’di lamang simpleng medical
mission ang programang ito ng Quiambao-Sabangan administration. Bukod sa medical check-up, X-ray, dental services, tooth-brushing drill, at iba pang medical at dental services ay mayroon ding story-telling, agricultural services, Treasury at Assessor’s Office services, Local Civil Registrar services, haircut, feeding activity, PNP lectures, at marami pang iba.
Naroon din sina Municipal Treasurer Luisita Danan at Municipal Assessor Annie de Leon upang magbigay-linaw ukol sa real property tax, upang malaman ng mga taga-distrito kung bakit kailangang magbayad ng buwis, partikular na ang amilyar, at kung saan napupunta ang mga nalikom na buwis.
Wika ni Amparo Baladad, 54 taong gulang na residente at sa sa mga benepisyaryo, “[Sa pamamagitan nito,] pinapakita ni Mayor CTQ ang laki ng pag-angat sa Bayambang. Proud na proud kami sa kanyang mga magandang adhikain.” Gayundin ang sabi si Natividad Bumenlag, 62 taong gulang, na “maganda ang pamamalakad ni Mayor Quiambao sa bayan at punong-puno ng pagbabago, kaya malaking pasasalamat dahil may Mayor kaming nagmamalasakit sa bayan.”