Muslim Vendors, Pinulong
Pinulong ni Mayor Cezar T. Quiambao at ng OIC ng Special Economic Enterprise na si Gernalyn Santos ang mga miyembro ng Muslim Vendors Association ng Bayambang tungkol sa kanilang napipintong paglipat sa 2nd Floor ng Block III, New Building ng Public Market.
Lahat ng issues and concerns ng mga Muslim vendors ay sinagot at binigyang ng karampatang solusyon ni Mayor CTQ kasama ni Ms. Santos.
“Pantay-pantay ang trato ko sa lahat ng mamamayan ng Bayambang, Kristiyano man o Muslim,” pahayag ni Mayor CTQ sa pagpupulong.
Hinikayat din niya ang ating mga kapatid na Muslim na makihalubilo sa pamayanan upang makita ang tunay na pagkakaisa sa bayan ng Bayambang.