Backyard Gardens sa 77 Barangays, Pinalawak Bilang Community Gardens

Backyard Gardens sa 77 Barangays, Pinalawak Bilang Community Gardens

Mas pinaigting ang Backyard Gardening Project na inilunsad ng Bayambang Poverty Reduction Action Team (BPRAT) sa 77 barangays noong nakaraang taon sa pakikipagtulungan sa Municipal Agriculture Office (MAO), Municipal Social Welfare and Development Office, at mga barangay council upang makatulong sa pang-araw-araw na pangangailangan sa nutrisyon ng mga Bayambangueño.

Ito ay bunsod ng kahilingan ni Mayor Cezar T. Quiambao na gawing produktibo ang lahat ng nakatiwangwang na lupain sa bayan.

Nag-umpisa noong Hunyo 4 sa Brgy. Ambayat 1st at Brgy. Ambayat 2nd ang pagpapalawak ng mga backyard vegetable garden upang maging community garden ang mga ito.

Matatandaang 8-10 pamilya lamang sa iba’t-ibang purok kada barangay ang naging benepisyaryo noong nakaraang taon. Sa pagkakataong ito ay buong komunidad na ang kasapi sa proyekto, kabilang na ang mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program sa barangay.

Nakatakdang imonitor ng BPRAT at MAO ang nasabing food security project ng lokal na pamahalaan.

Arrow
Arrow
Slider