Mga Lokal na Mangingisda, Umatend sa BFAR Workshop
Nagtipon ang mga mangingisda ng Bayambang sa Aguinaldo Room ng Balon Bayambang Events Center noong Mayo 31 upang dumalo sa ‘Inland Fisheries Management Planning Workshop’ na inorganisa ng Municipal Agriculture Office sa pamumuno ni Artemio Buezon, katulong ang Bayambang Poverty Reduction Action Team sa ilalim ni Dr. Joel T. Cayabyab at kaagapay ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (FAR) Regional Fisheries Office No. I ng Department of Agriculture.
Dumalo si Municipal Administrator Atty. Raymundo Bautista Jr. upang batiin ang mga bisita sa ngalan ni Mayor Cezar T. Quiambao.
Ayon kay Belmor C. Bugaoan, Chief ng Fisheries Management Regulatory Enforcement Division ng ahensya, isinagawa ang workshop upang bigyang linaw ang direksyon ng lokal na inland fisheries industry.
Kabilang sa mga natalakay ay ang “Municipal Fisheries Profile,” na iprinisenta ng LGU-DA, at “Introduction to Fisheries Management” na iprinisenta naman ni BFAR aquaculturist Felymar C. Ragutero.
Nagsagawa rin sa pagpupulong ng isang “Situational Analysis (Issues Identification),” “Setting of Mission, Vision, Goals, and Objectives,” “Strategies (Management Measures),” at “Writeshop Drafting of Inland Fisheries Management Plan” para sa Bayambang.