LGU, Todo-Suporta Kay Bb. Pilipinas Candidate Denj Magno
Tuluy-tuloy ang suporta ng LGU sa kandidatura ni Bb. Denielle Joie Nuñez Magno para sa titulong Bb. Pilipinas 2019.
Dahil sa kanyang pagpasok sa lineup, nagkaroong muli ng kandidata ang probinsya ng Pangasinan sa prestihiyosong patimpalak sa loob ng limang taon, at siya ay isang Bayambangueña. Matatandaang taong 2014 noong nasungkit ni Parul Shah, isang Indian-Filipino na taga-Dagupan, ang titulong Bb. Pilipinas Tourism. At ngayong June 9, itatayo nating muli ang bandila ng Pangasinan sa Bb. Pilipinas 2019, at partikular na ng Bayambang.
Kasama po namin kayong kapwa Bayambangueño at Pangasinense sa panalangin para sa tagumpay. Please help sa text voting para makatulong sa ating kandidatang si Denielle Joie N. Magno, a.k.a. Denj Magno #2 BBP2019. 🙏
Maraming salamat po!