Health Teaching at Seminar on Effective and Proper Parenting, Dinala sa Sanlibo at Tanolong
Dinala ng RHU 1 ang kanilang Health Teaching at Good Parenting Seminar sa Brgy. Sanlibo at Brgy. Tanolong noong Mayo 17.
Ang pagdaraos ng Health Teaching sessions ay parte ng pag-obserba sa buwan ng Mayo bilang National Hypertension Awareness Month. Ang proyekto ay dadalhin sa iba’t-ibang barangay sa buong buwan ng Mayo.
Parte ng pagdiriwang ang pagbuo ng mga health clubs sa mga barangay. Layunin ng proyekto na makabuo ng samahan sa mga barangay lalo na iyong mga umiinom ng maintenance medicine na mga hypertensive at diabetic patients at hikayating silang maging aktibo sa pangangalaga sa kanilang sariling kalusugan.
Ang RHU 1 ay may target na 15 barangays para sa Parenting Seminar at 30 barangays naman para sa Health Seminar.