Ilang Job Hunting Tips mula sa 4.26.2019 Job Fair

Ang pagiging confident ay isang mahalagang baon mo kung ikaw ay nag-aaply ng trabaho upang ipakita mo sa isang company na deserving kang makapasok sa kanilang kumpanya.”

Ito ay ayon kay Megan Javier na isang aplikanteng na-hire on the spot bilang customer service representative sa isang BPO company sa ginanap na Job Fair ng PESO Bayambang sa Sangguniang Bayan Session Hall noong ika-26 ng Abril, 2019.

Isa lamang siya sa 44 na aplikanteng na-hire on the spot sa araw na iyon. May 104 aplikante rin ang naging qualified at 26 aplikante ang considered as “near hires.”
Sa maikling pambukas na programa ay nakarinig ng ilan pang mga tips ang mga aplikante. Payo ni Municipal Legal Officer Germaine Lee A. Orcino sa mga naghahanap ng trabaho: “Ipakita ninyo ang lahat ng inyong mga talento upang kayo ay mahire sa iba’t-ibang kumpanyang a-aplayan. At sana kung kayo ay matanggap, pagbutihin ninyo ang inyong mga trabaho.”

Sa sariling mensahe naman ni Vice Mayor Raul Sabangan, nasabi niyang, “Kung di man kayo papalarin, huwag susuko at ipagpatuloy pa rin ang buhay.” “Sana sa papasukan ninyo ay gusto ninyo ang trabaho, at maging flexible kayo sa inyong mga gagawin,” dagdag niya. Ayon naman sa isang HR officer ng kumpanyang IQor, isang BPO firm,
“Karamihan ang sinasabi ay dapat magaling kang mag-English ’pag papasok ng call center. Pero para sa akin, ang normal English ay puwede na. Ang mas importante ay maganda ang ugali, willing ma-train, at determinado na matanggap.”

Sa tala ni G. Gerenerio Q. Rosales, Action Desk Officer on Employment Concerns ng PESO Bayambang, may 13 lokal na kumpanya at 5 overseas companies ang sumali sa job fair na ito, na kung saan 4,358 vacancies ang para sa local employment slots at 350 ang overseas employment slots, at kung susumahin ay nangangahulugan ng 4,490 job opportunities. Merong 234 job applicants ang dumating, 111 dito lalaki at 123 babae.

 

Arrow
Arrow
Slider