Consultative Meeting para sa Planong Agri-Aqua Tourism Park sa Langiran, Ginanap

Sa pangunguna ni Supervising Tourism Operations Officer Rafael L. Saygo, kasama ang mga department head ng lokal na pamahalaan ng Bayambang, ay nagkaroon ng consultative meeting para sa pinaplanong Langiran Community-Based Agri-Aqua Tourism Park sa Brgy. Langiran. Ang consultative meeting na ito ay ginanap noong ika-26 ng Abril sa Langiran Elementary School at dinaluhan ng 193 na Bayambangueño na sabik na sabik para sa plano.

Paliwanag ni Municipal Engineer Eddie Melicorio, ang Agri-Aqua Tourism Park na plano para sa Langiran Lake ay magkakaroon ng iba’t ibang atraksyon katulad ng zipline, river cruise, fishing dock at sariling event center. Ang budget para sa naturang proyekto na nagkakahalaga ng P250M ay manggagaling sa Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) na parte ng Department of Tourism.

Ayon naman kay Saygo, marami ang magkakaroon ng trabaho kapag natapos na ang binabalak na ito ng LGU, dahil katulad ng istatwa si San Vicente Ferrer ay dadayuhin ito ng mga turista. Ito ay makakatulong hindi lamang sa mga residente ng Brgy. Langiran, kundi pati na rin sa mga karatig-barangay at sa buong bayan ng Bayambang.

*photos are architectural perspectives only

Arrow
Arrow
Slider