Sa Langiran Elementary School dinala ng Munisipyo ang mga serbisyo nito noong Abril 26. Ayon sa chairperson ng Komprehensibong Serbisyo sa Bayan na si Municipal Health Officer, Dr. Paz F. Vallo, may 510 na residente mula sa barangay Langiran, Tococ East, Tococ West, at Ligue ang tumanggap ng serbisyong medikal, dental, at iba pang serbisyo nang ilipat ang mobile program na ito sa kanilang distrito. Ang ikatlong taong ito ng Komprehensibong Serbisyo sa Bayan ay handog ng buong Team Quiambao-Sabangan para sa bawat Bayambangueño.