Noong Abril 24, nagkaroon ng Community Assembly at Health Forum sa Dusoc Elementary School tungkol sa sakit na Japanese encephalitis. Pinangunahan ito ng Region 1 Medical Center kasama ang Rural Health Units ng LGU.
Ginawa ang forum na ito upang magkaroon ng karagdagang kaalaman at maging listo ang mga mamamayan ng Dusoc at piling BHWs ng iba’t-ibang barangay ukol sa Japanese encephalitis.
Nagbahagi rin sila ng mga karagdagang impormasyon tungkol sa mga iba’t ibang sakit ngayong tag-init.
Naging prayoridad ang Bayambang na mabigyan ng sapat na kaalaman ukol sa Japanese encephalitis dahil, as of March 28, 2019, may isang kaso na naitala sa Brgy. Dusoc.